Nutri Bingo lalarga sa Marikina

UPANG makadagdag ng saya sa pagdiriwang ng Nutrition Month, iniimbitahan ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng Nutrition Section ng City Health Office (CHO) ang lahat ng mamamayan ng lungsod sa isasagawang Nutri Bingo sa ika-17 ng Hulyo mula ika-1 hanggang ika-5 ng hapon sa Nutrition Center ng Nutrition Section ng CHO na nasa ika-5 palapag ng Healthy City Center na matatagpuan sa Shoe Ave., Brgy Sto. Niño.

Layunin ng aktibidad na ito na makalikom ng dagdag pang pondo upang matugunan ang iba pang proyekto ng Nutrition Section tulad ng cooking demo at marami pang iba.

“Ating inaanyayahan ang lahat na makiisa sa proyektong ito. Habang tayo ay naglalaro ng Bingo, tayo rin ay nakakatulong upang mas marami pang cooking demo projects ang ating magawa na magbibigay ng dagdag -kaalaman sa mga ina ng tahanan kung ano pang mga putaheng nagtatampok sa gulay ang pwede nilang ihain sa kanilang pamilya,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Sa mga nais bumili ng Bingo card, maaaring magtungo sa Nutrition Office. Ito ay nagkakahalaga ng PhP10 bawat isa. May surpresang premyo na ipamimigay para sa mga mananalo.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Nutri Bingo, mangyaring makipag-ugnayan sa Nutrition Section ng City Health Office sa numero bilang  (02) 997-4130.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply