Obispo: Capital ng Pinas ‘di na dapat palitan

NANINIWALA ang tatlong obispo ng Simbahang Katoliko na hindi na kinakailangan pang palitan ang lungsod ng Maynila bilang capital city ng Pilipinas.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, mas mabuti kung mananatili na lamang na ang Maynila ang capital ng Pilipinas, sa halip na ipalit dito ang Quezon City, na siyang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila.

“There were reasons for making Manila the capital of the Philippines. We cannot keep changing some things that are meant to last,” ayon kay Ongtioco.

Sinabi naman ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez na hindi sapat ang mga rason na sinabi ni Quezon City councilor Francisco Calalay, Jr., upang palitan na ang Manila bilang capital city.

“Quezon City was already declared capital of the Philippines years ago. But since Manila is known throughout the world because Malacañang is there, Manila became the capital again. So no need to change it to Quezon City again,” pahayag naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes.

Nauna rito, naghain ng resolusyon si Calalay na humihikayat sa Kongreso na gumawa ng batas na nagdedeklara sa Quezon City bilang bagong capital city ng bansa.

Nabatid na naging capital na rin ng bansa ang Quezon City mula 1948 hanggang 1976.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply