Obispo kay PNoy: Tunay na kalagayan ng bansa iulat

HINAMON ni Malolos Bishop Jose Oliveros si Pangulong Benigno Aquino III na iulat sa taumbayan ang tunay na kalagayan ng bansa.

Ang hamon ni Oliveros ay kasunod ng nalalapit na pagdaraos ng State of the Nation Address (SONA) ng pangulo sa Hulyo 23.

Ayon kay Oliveros, nais at karapatan ng mga mamamayang Pilipino na marinig at malaman mula sa Pangulo ang tunay na kalagayan ng bansa.

Gayundin, sinabi ng obispo na nais ding mabatid ng mga mamamayan ang mga programa ni Pangulong Aquino na tutugon sa nararanasang problema ng bansa tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, lumalaking bilang ng child labor, laganap na prostitusyon, illegal na droga, kaliwa’t-kanang krimen, illegal logging, human rights violations, mining, extra-judicial killings, talamak na corruption at kawalan ng peace and order.

Anang obispo, sana maging patas sa pag-uulat si Pangulong Aquino.

Umaasa rin si Oliveros na ilalatag din ng Pangulo sa mga tao, na boss niya, ang tunay at totoong pangyayari sa bansa.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Oliveros na naniniwala siyang may ginagawa naman si Pangulong Aquino para sa bansa ngunit hindi nga lamang aniya ito sapat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply