Obligasyon sa mga nasasakupan, ‘di nakalilimutan ni Gov. ER

KAHIT abala ang butihing gobernador ng lalawigan ng Laguna na si Gov. Jeorge ER Ejercito Estregan sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang ama ng kanyang lalawigan ay naisisingit nito ang pagsu-shooting ng pelikulang “El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story” na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival ngayong darating na Disyembre.

Bilang isang mabuti at mahusay na public servant, kabi-kabilang parangal na ang kanyang natatanggap mula sa mga ahensya ng gobyerno at mga pribadong samahan.

Kamakailan lamang ay tinanggap ni Laguna Governor Jeorge E.R. Ejercito Estregan mula kay Senator Antonio F. Trillanes, IV ang 2012 UP-NCPAG Outstanding Alumni Award, isang Special Recognition para sa mga nagawa at kontribusyon ng Gobernador sa Local Government Service partikular sa lalawigan ng Laguna na ginanap sa Edsa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City.

Si Governor E.R. ay nagtapos ng Public Administration and Governance sa National College of Public Administration and Governance sa UP Diliman Quezon City. Bukod sa Outstanding Alumni Award tumanggap din si Governor E.R. ng Plaque of Appreciation dahil sa kaniyang malaking suporta sa paggunita ng ika-60 taon ng pagkakatatag ng National College of Public Administration and Governance ng University of the Philippines sa Diliman, lungsod ng Quezon.

Magkakasama sa larawan sina Governor E.R., Senator Trillanes, Laguna University Vice President Gilbert Lozada, Mr. Ricky De Guzman, Mrs. Pat De Guzman, Dean Edna Co, Dr. Danilo Reyes at Pagsanjan Mayor at LMP Laguna Chapter President Girlie Maita Ejercito.

Labis ang kasiyahan ng kanyang mga kababayan sa mga tinatamong parangal ng kanilang punong lalawigan dahil sa magandang pamamalakad nito at pagbibigay serbisyo sa kanila lalo na ang mga maralitang sektor na higit na binibigyang importansya ni Gov.ER.

Kahit nga nasa kalagitnaan ng shooting at between takes ay nagagawa pa rin niyang isingit ang kanyang tungkuling serbisyo publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply