Obrero nakuryente, kritikal sa Makati

NASA malubhang kondisyon ngayon ang isang construction worker makaraang makuryente habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho sa Makati City.

Nakilala ang biktima na si Andrew Pugas, 22, ng Barangay Comembo, Makati.

Nakuryente si Pugas habang ginagawa ang attic ng isang bahay sa nasabing lugar.

Nagtamo ng lapnos sa likod, dibdib at iba pang parte ng katawan si Pugas na ginagamot sa   Ospital ng Makati.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply