Official gov’t sa Spratly itinayo na ng Beijing

BUMUO na ng official government ang Beijing sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea makaraang magtayo ang mga ito ng tinatawag nilang Sansha City sa naturang lugar.

Ito ay base sa ginanap na pulong ng Standing Committee of the Hainan Provincial People’s Congress, isang organizing committee na binuo para sa pagpapatawag ng municipal congress.

Ang nasabing legislative body ay kinabibilangan ng 60 delegado na “directly elected” at 15 members naman mula sa Standing Committee.

“It will organize the first municipal congress of Sansha, approving the electoral commission for the election of delegates and convening the first plenary meeting of the municipal congress. The congress will have 60 delegates directly elected, and its Standing Committee will have 15 members,” ayon sa isang opisyal ng Standing Committee.

Nabatid na itinaas na ng China ang administrative status ng Spratly, Paracel at Macclesfield bank islands upang lalo umanong higpitan ang pag-aangkin  sa mga pinag-aagawang teritoryo sa naturang rehiyon.

Ang naturang pagbuo ng Sansha City ay aprubado na ng Chinese State Council na  mamamahala sa nasabing mga isla at bahaging tubig na nasa paligid nito.

Maliban sa Spratlys, saklaw din ng Sansha City ang pinag-aagawang Scarborough Shoal.

“The founding of Sansha City will improve China’s management of the region and help coordinate efforts to develop the islands and protect the marine environment,” ayon kay Zhao Zhongshe, direktor ng Hainan provincial Department of Ocean and Fisheries.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply