OFWs kay PNoy: ‘Itigil ang pagtaas ng presyo ng tubig, kuryente

NANAWAGAN ang grupong Migrante International kay Pangulong Aquino na ipag-utos sa ibibigay na State of the Nation Address (SONA) ang pagpapatigil ng patuloy na pagtaas ng presyo ng tubig, kuryente at produktong petrolyo.

Ayon kay Migrante Middle East regional coordinator John Monterona, dapat ihayag ni Pangulong Aquino ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa ibibigay nitong SONA sa Hulyo 23, at hindi propaganda lamang tulad ng mga naunang pahayag ng Pangulo para ipagmayabang na umuunlad na umano ang ekonomiya ng bansa sa harap ng paglala ng kahirapan sa bansa.

Sinabi pa ng Migrate na hindi maikukubli ng Aquino government ang patuloy na paglabas sa bansa ng 4,200 overseas Filipino workers (OFWs) bawat araw para lamang iwan ang kanilang pamilya at makipagsapalaran sa ibang bansa.

Bukod sa pagbaba sa presyo ng langis, kuryente at tubig, hiniling din ng Migrate kay Pangulong Aquino na isama sa SONA pagse-sertipika sa panukalang P125 across the board wage increase, pagbasura sa lahat ng one-sided na kasunduan sa Amerika at sa iba pang pamahalaan, itulak ang agarang pagpapatupad sa desisyon ng Korte Suprema sa pamamahagi ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka, pagtutuloy ng usapang kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front, at pagtigil sa Oplan Bayanihan.

Nanawagan din ang Migrante kay Pangulong Aquino na imbestigahan at sampahan ng kasong katiwalian hindi lamang ang mga dating opisyal ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kundi maging ang mga ‘Kaibigan, Kaklase, at Kabarilan’ ng kasalukuyang administrasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply