OFWs nagsagawa ng kilos-protesta sa DFA

KAHIT malakas ang buhos ng ulan, hindi alintana ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang isinagawang kilos-protesta sa harap ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa kapabayaan ng pamahalaan kaugnay sa nakapiit na biktima ng Human Trafficking sa Jordan.

Isinisigaw rin ng Migrante International ang umano’y misteryosong pagkamatay ng ilang OFWs sa naturang bansa.

Batay sa talaan ng Migrante, umaabot na umano sa 258 ang kaso ng nakukulong na OFW sa Midle East.

Ayon kay Garry Martinez, Chairperson ng Migrante Middle East. natutuluyang makulong ang OFW na may kinakaharap ng kaso dahil hindi nabibigyan ng legal assistance ang embahada sa Gitnang Silangan.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III, tumaas ang bilang ng mga kaso ng misteryosong pagkamatay ng mga OFW at 15 kaso ang hindi nareresolba na hinihinalang may foul play ang kanilang pagkamatay dahil ang kanilang bangkay umano na inuuwi ay may palatandaan na ang internal organ ay inaalis.

Kasabay nito nanawagan si Martinez, kay Pangulong Aquino na mas makabubuti kung gobyerno at hindi ang mga employer ang kakausapin ng pamahalaan para mapauwi ang mga OFW sa Syria

Dagdag pa ni Martinez, dapat ipakansela na lamang ng bansa ang Immigration Law kung talagang may batas ang Syria kaugnay ng ‘exit visa’.

Sinabi ni Martinez na mas makasisigurong hindi na gagastos ang bansa kung magkakadirektiba ang Syria.

Ayon kay Martinez, hindi nila makumpirma ang mismong bilang dahil bukod sa iba-iba ang pahayag ng DFA, at hindi na rin nila makontak ang pari na Syrian na kanilang kinakausap.

Muling iginiit ni Martinez ang kanilang panawagan sa pamahalaan na kausapin ang pamahalaan ng Syria para maging ‘government to government’ na lang ang usapan kaysa sa makipag negosasyon pa sa 10,000 employer.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply