Oil price hike at ang inutil na depensa ng Pinas

DALAWANG mahahalagang isyu ang bumubulwak sa kasalukuyan.

Isa ang oil price hike at ang mahina kundi mang inutil na depensa ng Pinas sa mga dayuhang gustong sumakop sa ating mga teritoryo.

MABILIS PA SA KIDLAT

Mabilis pa sa kidlat ang mga kompanya ng langis kung magtaas sila ng presyo ng petrolyo na kinabibilangan ng diesel, gasolina at gaas.

Hindi natin namamalayan, tumataas din ang presyo ng mga grasa, liquified petroleum gas, naptha o solvent, gasolina ng mga eroplano at iba pa.

Pero napansin ba ninyo kung paano sila mabilis na magtaas ng presyo? Kapag nagbabala na ang gobyerno rito.

Hindi natutuyo ang laway ng kanilang mga tagapagsalita sa gobyerno, tumitira na sila kaagad.

MABAGAL PA SA PAGONG

Kung nag-aanunsyo naman ang mga nasabing spokesman nila sa Department of Energy, lumilipas ang mga araw bago magbaba ang oil companies ng kanilang presyo.

Marami umano silang isinasaalang-alang o kinukuwenta gaya ng palitan ng piso at dolyar at kung ano-ano pa para hindi naman umano sila malulugi.

Anak ng tokwa, kahit kailan ay hindi nalugi ang mga kompanya ng langis maliban lang sa isang taon.

LALONG KUMIKITA PAG MAY KRISIS

Ang nagaganap pa nga, eh, habang may krisis sa langis, lalo na ang pagsirit ng presyo sa pandaigdigang palengke, lalo silang kumikita.

Ang Petron at Shell, mga Bro, ay kumikita sa isang taon ng nasa P6-P8 bilyon bawat isa.

Ang Caltex o Chevron ay kumikita naman umano ng nasa P4 na bilyon.

Kaya naman, laging  nasa top 10 corporations ang mga ito gaya ng iniulat ng Securities and Exchange Commission.

BANTAYAN SILA

Dito natin naiisip ang sinasabi ng mga tsuper at operator na bantayan ang mga kompanya
ng langis.

Bantayan sila sa pagtataas ng presyo o pagbababa kaya. Maging sa panahon ng kanilang oil price hike at ba-was presyo.

Suspetsa ng mga tsuper at operator, malamang na may kalokohan ang mga ito.

PROBLEMA ANG DOE

Problema nga lang natin ang DOE na hindi natin nariringgan ng mga pagkilos.

Ang sinasabi lagi ng mga naririyan sa DOE, eh, wala silang magagawa dahil deregulated ang negosyo rito.

‘Yun bang === binibigyan ang mga kompanya ng langis  ng Oil Deregulation Law ng kapangyarihan na magtakda ng halaga at panahon para sa pagbabawas at pagtataas ng presyo ng petrolyo.

Kaya naman, wala sa bokabularyo ng mga ito ang overpricing at iba pang maniobra ng mga kompanya ng langis.

Anak ng tokwa, ano itong sinasabi ng mga kritiko na mayroon naman talagang kapangyarihan ang pamahalaan, lalo na ang DOE para timplahin o ituwid ang mga kalokohan ng mga kompanya ng langis?

TAKOT NGUNIT KUMIKITA

May tiyak na mga dahilan, mga Bro, kung bakit ganito na lamang kainutil ang DOE.

Una, takot silang salingin ang mga kompanya ng langis lalo na ang Big 3 o yung grupo ng Petron, Shell at Caltex na may hawak sa nasa 85% ng negosyong langis sa buong Pinas. Lalo na kung magbabanta na ang mga ito na aalis sila gaya ng ginagawa ng Shell tuwing nauungkat ang multi-bilyong kaso nito na hin-di pagbabayad ng tamang buwis o technical smuggling umano.

Ikalawa, habang mas mahal ang petrolyo, lalo namang kumikita ang  gobyerno sa expanded value added tax sa petrolyo, corporate tax sa mga oil company at iba pang mga buwis at bayarin na sinisingil dito.

Pinakamalaki ang EVAT sa petrolyo sa halos P200 bilyon na kubransa nito sa EVAT sa lahat ng VATable na serbisyo at produkto.

Kabilang sa mga may EVAT ang rental car companies, tourist buses, taxi, resorts, hotels, clubs at restaurants; trucking, shipping at airfreight; telegram, television, radio at telephone facilities; paggamit ng satellite transmission, films at cable televisions; feeds o pagkain para sa aquarium fish; pana-bong na manok at pang-contest na mga kabayo; imported na karne; pest control products; pag-aari sa mga lupain; non-life insurance; at  professional fees.

Kita n’yo, mga Bro?

INUTIL ANG DEPENSA

May pumasok na warship ng China mga 100 kilometro lamang ang layo mula sa Palawan.

Pinagpasensyahan natin ito lalo’t wala namang masa-ma kung totoo na naglalayag lanang
ito at dumaan lang sa ating mga karagatan.

Pero hindi ito ang punto.

Kung mayroon palang mga dayuhan, kahit hindi mula sa China, na papasok sa ating bansa, wala tayong magagawa.

Paano nga naman tayo may magagawa kung wala naman tayong panlaban sakaling may sisiklab na kaguluhan?

MAY BARKO, CHOPPER

May mga barko nga tayo at may mga helikopter, hindi naman pupuwedeng ilaban.

Una, kanyon at machine gun lang mayroon ang mga ito samantalang mga missile ang armas ng mga dayuhan.

Ikalawa, wala tayong eroplanong pandigma na mabibilis. Puro tora-tora na pupuwedeng puntiryahin ng tirador.

Itong mga eroplano at helikopter pa natin ay hindi na kailangang paputukan ng missile dahil lumilipad na kabaong ang mga ito.

Kung bakit kasi puro korapsyon ang nagaganap sa militar natin. Ipinasasalubong at
ipinababaon na ang pondo, mina-magic pa gaya ng P8B modernization Fund.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply