Oil price hike nakaamba

MATAPOS ianunsyo ng Meralco ang pagtaas sa hingil sa kuryente, mararamdaman na naman ang panibagong pasanin dahil nagbabadya na namang tumaas ang presyo ng krudo sa sususnod na linggo

Sa pahayag ni Zenaida Monsada, director ng Department of Energy (DOE),  malalaman sa Lunes kung magkano ang itataas ng presyo ng produktong petrolyo pero aabot ito ng humigit-kumulang sa piso.

Samantala, bagama’t inaasahang tataas ang presyo ng gasolina, diesel, kerosene at bunker fuel, hindi naman maaapektuhan ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Ayon kay Monsada, bagamat walang oil shortage sa pandaigdigang merkado, nanganganib namang magkaproblema ang delivery nito dahil sa pananakot ng Iran na isara ang Strait of Hormuz.

Ang Strait of Hormuz ang pangunahing daanan ng oil supply na itini-trade mula sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

Samantala, nakatakda namang bimalik sa normal ang presyo ng asukal sa susunod na dalawang linggo.

Ito ay matapos tumaas ang presyo ng asukal sa ha­lagang P6 kada kilo kamakailan.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration (SRA) Gina Bautista Martin, mula sa kasalukuyang presyo ng asukal na P52 kada kilo ay maaari na itong bumalik sa P46 hanggang P47 kada kilo.

Tiniyak naman ng SRA na sobra-sobra ang imbentaryo ng kanilang asukal sa bansa at hindi rin magkukulang ang supply nito sa mga darating pang mga araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply