Opposition letters vs De Lima, dumagsa sa JBC

DINAGSA ng mga liham ng pagtutol ang Judicial and Bar Council kaugnay sa nominasyon bilang Chief Justice ni Justice Secretary Leila de Lima.

Nabatid na pitong opposition letter  na ang natanggap ng JBC laban sa nominasyon ni De Lima para sa pagka punong mahistrado.

Ang mga opposition letter ay mula sa dalawang private citizen na kinilalang sina Jericho Urquiola at isang taga Iloilo na si Shiela Marie Gargolez.

Kabilang sa mga dahilan na kanilang ibinigay, kung bakit hindi dapat matalaga bilang chief justice ang kalihim.. ay ang hindi pagsunod nito sa isang simpleng Supreme Court order tulad ng inisyung TRO laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo,  ang nakabinbin na disbarment case sa Integrated Bar of the Philippines at  kwestyunable raw ang independence ni de Lima dahil kilala itong malapit kay Pangulong Aquino..

Dahil dito, posible raw na kumbinsihin ni de lima ang ibang mahistrado para mabaligtad ang desisyung pabor sa luisita farmers.

Naniniwala ang dalawa na walang moral qualifications si de Lima dahil tiyak na may utang na loob umano siya kay Pnoy

Sa opposition letter naman ng 2 abogadong sina Atty.Frumencio Pulgar at Atty Arturo de Castro, iginiit nilang lal  daw mapapabagal ang pagresolba sa mga kaso sa SC, sensational cases lang daw kasi ang inuuna ni de Lima, wala daw karanasan si de Lima pagdating sa mga kaso na may kinalaman sa public interest.

Malabo din daw makakuha ng respeto si de Lima sa Sc justices at legal community.

Kabilang din sa nagpahayag ng pagtutol sa nominasyon ni de Lima ang isang Paul Camillion, Dr. Oscar Noble at isa sa defense team sa impeachment na si Atty Paolo Quicho.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply