Oras na para gawaran ng National Artist Award si Ms. Anita Linda!

BUKOD kay Mang Dolphy, ang beterana at dakilang aktres na si Ms. Anita Linda ay isinusulong din sa pagiging recipient ng National Artist Award. Nagsimula sa Entablado Avenue ang kanyang career noong 1940, siya ang kauna-unahang tumanggap ng Maria Clara Award dahil sa matagumpay na pagganap sa Sisa of Premiere Production.

Si Ms. Anita Linda ang Reyna ng Premiere Production. Discovery siya nina Director Lamberto Avellana at kapanabayan niya sa Premiere Productions sina Arsenia Francisco at Pempe Padilla. Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ang Sawa sa Lumang Simboryo, Mutya ng Paaralan, Perferdia, Carlos Trece, Basagulera at iba.

Sa edad na 87 ay active pa siya sa movies. Bida siya sa Indie Films sa Adela at Lola. Mabuhay ka, Ms. Anita Lida!

***

Vice Gov. Daniel Fernando, darling of the press

DARLING of the Press si Vice Gov. Daniel Fernando. Paborito siya ng entertainment press at maging Bulacan Media. Dinudumog din siya ng National Media.

Llamado si Vice Gov. Daniel sa next election dahil maganda ang kanyang record sa public service. Solid pa rin ang mga Bulakenyo para sa kanya. Mahal siya at very loyal sila sa kanilang idolo. Forever loyalist kami para kay Vice Gov. Daniel.

***

Dating actor, kanang kamay ni Mayor Christian

ANG dating actor na si Edmon Ramos Dionisio ng Double K Production ay kanang kamay ni Mayor Christian Natividad ng Malolos City. Pinsang buo din ni Edmon Ramos si Melissa Ricks.

Kabilang sa pelikula ni Edmon ang Tawilwil Gang, Tikbong Tikos at ang Karoaks Boys, Isang Salop ng Bala at Ora Engkantada. Siya ngayon ang Chief Security ni Mayor Christian.

***

Jake Vargas sa Gawad Maharlika

PANGUNGUNAHAN ni Jake Vargas ang Gawad Maharlika para sa taong ito sa larangan ng Showbiz. Sa Public Service naman, awardees sina Vice Gov. Daniel Fernando and The Unbeatable Vice Gov., Mayor Christian Natividad and The Best Mayor of Malolos, si Mayor Ferdie Estrella, also tagged as The Best Public Servant. Si Kon. Manny Balicanta ang Most Outstanding Councilor of the Year. ABC Diony Mendoza ang The Best ABC of All. Ang Most Outstanding Budget Officer of the Year ay si CBO Delfin Natividad Jr.

***

Nora Aunor nag-iisa sa trono

NAG-IISA lamang sa Trono si Ms. Nora Aunor, the Phenomenal Superstar. Bukod sa kanya, wala ng phenomenal super-star na maituturing. Naiibang uri siya ng Bituin. Sabi nga ni Ms. Carmen Rosales noong nabubuhay pa, naiiba at walang tulad si Nora Aunor. Kaya dapat walang pag-awayan. Walang katulad si Ms. Nora Aunor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply