Oratio imperata, pangkonsensiya sa mga mambabatas na pro-RH bill

ISA ang ‘Oratio Imperata o obligatory prayer’ sa mabisang paraan upang gisingin ang ‘natutulog’ na ‘konsensiya’ ng mga mambabatas na nagsusulong na maisabatas ang Reproductive Health (RH) bill.

Ito ang paniniwala ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, miyembro ng CBCP Permanent Council, at ipinaliwanag na napaka-powerful ng pagdarasal lalo na sa mga pagkakataong malalagay sa panganib ang buhay ng mga tao at mga sanggol na nasa sinapupunan oras na maipasa ang naturang panukalang batas.

Kaugnay nito, sinabi ng Obispo na mas mabuti sana kung mismong si CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma ang maglabas ng direktiba sa lahat ng Obispo para magsagawa ng “oratio imperata” upang maging solido at powerful ang ating pagdarasal.

Naniniwala rin naman si Medroso na dapat na ring idaan sa lansangan sa pamamagitan ng kilos protesta ang laban sa RH bill para ipaabot sa pamahalaan ang masidhing pagtutol ng publiko sa panukalang batas.

Sinegundahan rin naman ni CBCP Permanent Council member Sorsogon Bishop Arturo Bastes ang naturang pahayag at sinabing dapat na ngang dalhin sa lansangan ang laban sa RH bill at huwag iboto ang mga Kongresista at Senador na sumusuporta sa RH bill.

Naninindigan si Bastes na dapat ng ipakita ng mga Katoliko ang kanyang puwersa upang ipagtanggol ang buhay at kasagraduhan ng pamilya. Tiniyak naman ni Palma na suportado nila ang mga kilos-protesta ng mga mamamayan laban sa pagsasabatas ng RH bill.

“People are free to manifest their own conviction not just for those who are in favor of RH but also for other people who certainly wants to manifest that they are oppose to it.  We support rallies against RH bill,” ani Palma.

Kaugnay nito, sinabi ni Palma na nakatakda namang maglabas ng statement ang CBCP na kumokondena sa RH bill na binihisan lamang ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III para maging Responsible Parenthood.

Bahagi, aniya, ng ilalabas na statement ng CBCP ay paalala sa mga mambabatas na mayroon silang responsibilidad sa kanilang mga constituent para magkaroon ng sensirong evaluation sa ikabubuti ng mamamayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply