P1-M naabo sa palengke sa Marikina

NAABO ang may P1 milyong halaga ng ari-arian makaraang magkasunog sa Concepcion Public Market sa Brgy. Concepcion-Uno, Marikina City kagabi na umabot hanggang kaninang madaling araw bago naapula.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas:10:50 ng gabi nang magsimula ang sunog na idineklarang fire-out dakong alas-12:33 na kaninang madaling araw.

Itinuturong ang isang tindahan ng tsinelas nagmula ang sunog at mabilis na kumalat sa malaking  bahagi ng naturang palengke kung saan may 1,000 sako ng bigas na bagong deliver ang nadamay na sinasabing nagkakahalaga ng halos P1 milyon.

Hinihinala naman ng ilang tinderong apektado ng naturang sunog na sinadya ito dahil sa may ugong-ugong na balitang planong ibenta ang naturang palengke.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply