P100 million sa Clark feasibility, mahal – mambabatas

SOBRA ang P100 million budget para sa feasibility study upang malaman kung ang Clark International Airport sa Pampanga ay karapat dapat na i-develop bilang ikalawang main gateway sa bansa, ayon kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay.

“Walang masama sa paniniguro na magtatagumpay ang adhikaing paunlarin ang paliparan ngunit hindi ba’t napakalaki ng pondo na inilaan para sa pag aaral lamang? Ano ba ang plano nilang gawin sa feasibility study nay an?”

Ani Magsaysay, dapat ipaliwanag ng gobyerno kung saan at paano gagamitin ang pondo na ayon sa ulat ay hiwalay pa sa P12 bilyong proposed terminal para sa Clark at iba rin sa second phase ng expansion plan nito.

Idinagdag pa ng mambabatas na dapat ay pag aralan ng pamahalaan kung paano mapapababa ang gastos sa proyektong ito dahil napakaraming dapat paglaanan ng pondo lalo na sa sektor ng edukasyon na taunang dumadaing sa parehong problema, kawalan ng klasrum at libro.

“Hindi ba kayang pababain ang pondo sa feasibility study na yan? Kukuha na naman ba ng foreign consultant para sa project gayong maraming kwalipikadong mga indibidwal at kumpanya sa bansa kayang gawin ang mga yan sa mas mababang halaga ngunit sa parehong kalidad? Walang masama sa paggastos pero ito’y dapat magamit sa tamang paraan,” ayon kay Magsaysay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply