P100K reward vs mga suspek na bumaril sa kolumnista

NAGLAAN ng P100,000 reward money ang Laguna Police para sa agarang ikadarakip ng mga suspek sa pamamaril sa kolumnistang si Nixon Cua at sa kapatid nito noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Laguna PNP Provincial Dir. Senior Supt. Gilbert Cruz, nananatiling nasa kritikal na kondisyon ngayon si Cua matapos itong barilin sa mukha ng isa sa mga suspek.

Kasabay nito, bumuo na rin sila ng Task Force Nixon na siyang tututok sa kaso ng dating Administrator ng Philippine Tourism Authority noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Sa report, tinatayang aabot sa P90,000 at mga cellphone ang natangay ng mga suspek mula kina Cua at sa kapatid nitong si Allyxon gayundin sa kanyang anak na si Sue Anne.

Matatandaang papunta sina Cua sa pinagawang bahay ng kanyang kapatid sa Laguna nang bigla silang harangin ng apat na lalaki at mabilis na kinuha ang hand bag ng kanyang anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply