P112M ilalaan sa bodega ng PCOS machine

NAGLAAN ang Commisison on Elections (Comelec) ng halagang P112 milyon para sa taunang renta ng bodega na paglalagakan ng mga makinang gagamitin sa 2013  mid-term elections.

Sa inaprubahang resolution no 9846 ng comelec en banc, nagpapahanap si Comelec Chairman Sixto Brillantes sa special bids and awards committee (SBAC) ng bodega na maaring rentahan para sa mga Precint Count Optical Scan (PCOS)  machines .

Nabatid na mahigit na 82,000 PCOS machine ang gagamitin sa mid term elections at kinakailangan nang makahanap ng angkop na puwesto para dito dahil mapapaso na sa Agsoto ang libreng paggamit ng bodega ng Smartmatic sa Cabuyao, Laguna .

Maging ang Project Management Office (PMO) ay inatasan na rin ni Brilliantes na ihanda ang technical specification ng uupahang bodega at kaagad na magsumite ng report sa SBAC upang ang bidding process  ay masimulan na.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply