P12-M pirated CDs nasamsam sa Imus, sisirain – OMB

NASAMSAM ng pinagsanib na pwersa ng Optical Media Board (OMB) at local authorities ng Imus, Cavite ang P12 million halaga ng piniratang DVD, VCD at CD

Ayon kay OMB Chairman Ronnie Ricketts, kasama sa kanilang mga sinalakay nitong weekend ang isang malaking mall sa naturang lugar.

Matapos samsamin ang mga iligal na paninda, nakipag-diyalogo pa si Ricketts sa mga ambulant vendors ng CD, VCD at DVD para iiwan na nila ang pagbebenta ng mga piniratang produkto.

Binalaan ni Ricketts ang mga nagtitinda na kung muling mahuhuli ay mahaharap na sa mas mabigat na pananagutan sa batas.

Agad sisirain ang mga pirated products upang huwag na itong magamit pa o maibenta.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply