P122-M Louis Vuitton nasamsam ng NBI sa Maynila

NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P122 milyong halaga ng pekeng Loius Vuitton products sa isang raid sa apat na bodega at tindahan sa Maynila.

Nabatid na ang pagsalakay ay nag-ugat sa reklamong inihain ng Mayank Vaid, kinatawan ng  Louis Vuitton na dagsa sa ilan shopping centers ang mga peke o imitasyon ng kanilang produkto.

Sinuyod ng NBI ang mga tindahan sa ilang shopping centers sa Maynila.

Sa bisa ng search warrant mula sa Manila RTC Brach 24 ay naisagawa ang pagsalakay ng NBI sa bodega sa 5th floor ng 660 THK Tower, Yuchengco St., Binondo, Maynila; 5/F and 6/F, P. Gomez Commercial Center, Quiapo, Maynila; at mga bodegang nasa  F-45b at  F-62 4/F, 11/88 Shopping Mall, sa Reina Regente St., Binondo, Maynila na hindi pa tukoy ang pagkilanlqn ng mga may-ari.

Ang Stalls 1B-9, 1B-11 at  1B-14, G/F sa  11/88 Shopping Mall, Reina Regente St., Binondo, Maynila ay kabilang din sa mga sinalakay.

Nakumpiska ang mga Louis Vuitton products tulad ng bags, belts, wallets na umaabot sa 2,111.

Kasong paglabag sa RA 8293 ang isinampa laban sa operator o may-ari ng mga nasabing establisyimento.

Kaugnay nito, kinumpirma ng NBI na mula sa buwan ng Enero nitong taon ay may P402.2 milyong halaga na ng mga produkto ang nasamsam na pawang may kaugnayan sa Intellectual Property Rights Code.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply