P146.94M ilalaan sa flood control project ng QC ngayong 2012

ILALAAN ng Quezon City Government ang pondong aabot sa P146.94 milyon para sa flood control projects ng lungsod ngayong 2012, upang maibsan ang epektong idudulot ng mga kalamidad gaya ng baha.

Ang proyekto ay kapapalooban ng 21 flood control projects kasama na ang pagpapagawa ng mga drainage systems, pagtatayo ng rip-rap walls at box culverts gayundin ng creek widening.

Sa kasalukuyan nakompleto na ang may 19 percent total flood control projects ng QC habang 57 percent naman ng proyekto ay patuloy pang tinatapos.

Pinakilos na rin ng Quezon City Government ang city engineering department para maghukay at magsagawa ng de-clogging ng mga lagusan ng tubig sa lungsod tulad ng mga ilog, creeks, mga pangunahing kanal para maibsan ang pagbaha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply