P15-M Singaporean shabu nasabat ng BoC sa NAIA

WOW, ibang klaseng accomplishment ang nagawa ng Bureau of Customs.

Hindi pa man nag-iinit  ang isyu kaugnay sa pagkakasabat ng mga ito sa 90,000 sakong bigas sa Port of Subic ay kaagad namang nasundan ito ng isa pang accomplishment nang masabat naman nila ang tangkang pagpupuslit ng tatlong kilo ng shabu ng Singaporean na si Danny Ngy Boon Eng sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pakikipagtulungan ng TF-REACT at PDEA.

Iba na talaga itong ipinamamalas na kasipagan ni Customs Comm. Ruffy Biazon dahil pati lahat ng kanyang mga tauhan ay nahahawa na sa kanya sa pagiging masipag nito.

Nakita naman natin na hindi pa man natatapos ang mga nasasabat nilang mga katiwalian ay nasusundan kaagad ito ng isa pang accomplishment na pinatutunayan lang kung gaano kagaling na humawak bilang komisyuner ng BOC itong si Ruffy Biazon. Bantay sarado kung bantayan ni Biazon ang tone-toneladang inismagel na bigas na naharang ng kanyang pangkat na Task Force REACT at Enforcement Group.

Ito  na ang isa sa mga masasabi nating pinakamalaking huli na nagawa ng BOC para tuluyan nang mawalis at malinis ang  Aduana na matagal nang pinagpapasasaan ng mga smuggler. Halos labis-labis ang pasasalamat ng mga local farmer na may isang Biazon sa BOC.

P2M PAYOLA SA ILLEGAL TERMINAL

Abangan natin ang P2 milyon na kada buwan na ‘payola’(protection money) na nakukuha sa illegal terminal sa Pasay City.

Ang araw-araw na paninikip  ng trapiko sa kahabaan ng Taft Avenue cor Edsa ang ginagawang ‘gatasan’ ng mga traffic enforcer ng Pasay City. Alam kaya ni Mayor Antonino Calixto na malaki ang ‘payola’ sa illegal terminal?

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply