P160-M lotto jackpot naiuwi na ng solo winner

NAIUWI na ng 40-anyos na dalagang ina ang mahigit P160 milyon premyo ng 6/55 Grand Lotto na binola noong Hulyo 4 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Tinanggap ng isang mapalad na mangangakal mula sa Sorsogon mula kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang tseke na may kabuuang halagang P163,921,759.20 matapos masapol ang kombinasyong 36-26-10-49-32-37 ng  6/55 Grand lotto na binola noong Hulyo 4.

Bukod sa naturang halaga, tumanggap din ng hiwalay na premyong P150,000 ang mapalad na ginang nang masapol ang limang numero sa kabuuan niyang taya na P60.

Napag-alaman na bukod sa nag-iisang anak, may mga inampon ding mga bata ang dalagang ina na lahat ay kanyang pinag-aaral at itinataguyod bilang isang mangangalakal.

Plano ng mapalad na mananaya na magbigay ng donasyon sa simbahan at balato sa mga kaanak habang ang malaking bahagi ay ilalaan niya sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Plano rin niya na palaguin ang kanyang negosyo bilang mangangalakal.

Sinabi ni Rojas na ikinalulugod ng PCSO ang pagwawagi ng dalagang ina dahil tiyak na mapapalago nito ang kanyang negosyo na magbibigay ng trabaho sa marami niyang kababayan sa Sorsogon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply