P162-M papremyo sa Grand Lotto

MAHIGIT sa P162 milyong piso ang inaasahang aabutin ang papremyo ng 6/55 Grand Lotto na nakatakdang bolahin ngayong gabi sa tanggapan ng Philipppine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Dahil dito, pinayuhan ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang mga mananaya na pumila at tumaya ng maaga sanhi ng inaasahang pagdagsa ng maraming nagnanais na maging instant milyonaryo.

Sinabi ni Rojas na wala isa mang nakakuha sa tamang kombinasyong 09-35-25-16-53-04 ng 6/55 Grand Lotto na binola noong Lunes ng gabi na may kabuuan na sanang premyong P151,763,216.40 kaya’t inaasahang papalo na ang premyo ngayong gabi sa mahigit P162 milyon.

Sa kabila nito, isa naman ang nakasapol sa kombinasyong 22-25-06-30-11-35 ng 6/45 Mega Lotto na binola rin noong Lunes ng gabi na may kabuuang premyong P4,500,000.00.

Hindi pa nababangit sa service provider ng PCSO kung saang lotto outlet tumaya ang mapalad na mananaya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply