P2.8M natangay sa Pagcor Mandaue

AABOT sa P2.8 milyon cash ang natangay ng isa sa mga internal security officer mula sa vault ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa sangay nito sa Mandaue City, Cebu kaninang madaling araw.

Nabatid na nakasingit umanong makapasok sa vault ang suspek na si Pascual Urian at tinangay umano ang pera ng Pagcor bandang ala-1:00 ng madaling araw.

Nakipaghabulan pa umano ang suspek sa mga security guard at vault-in-charge subalit nakatakas ito sakay ng isang taxi, tangay ang pera na isinilid lamang sa isang plastic bag.

Bigo ring mahuli ang suspek kahit na rumespunde pa ang mga tauhan ng SWAT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply