P2-T national budget isusumite na sa Kamara

KINUMPIRMA ngayon ni Rica dela Cuesta, executive director ng House Public Relation Information Bureau (PRIB) na sa Martes (July 24) na isusumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang P2-trilyon para sa 2013 national budget.

Ani dela Cuesta, alas-3:00 ng hapon ang pagsusumite ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad ng panukalang budget kay House Speaker Feliciano Belmonte, Jr.

Ang nasabing proposed budget ang maituturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa na inaasahang itutuon sa mga special service tulad ng edukasyon.

Nauna rito, inihayag ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na inaasahang sa pagsapit ng Setyembre ay nasa plenaryo na ang General Appropriations Bill upang maiakyat ito sa Senado sa Oktubre.

Sa ganitong paraan aniya ay maihahabol pa rin ito at bago matapos ang December ay malagdaan ni Pangulong Aquino.

Sinabi naman ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, chairman ng House Appropriations Committee na buong buwan ng Agosto ay ilalaan ng mga kongresista para sa deliberasyon sa committee level.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply