P2-T national budget suportado sa Kamara

SINUPORTAHAN ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo ng Liberal Party ang panukalang P2-trilyon na pambansang badyet para sa 2013 dahil kailangan aniya ang karagdagang alokasyon ng bansa para sa ekonomiya nito.

“As the embodiment of the country’s explicit and implicit policies, the envisioned P2 trillion national budget for 2013 shows the overall policy shift to sustained economic growth with emphasis on social equity,” ani Castelo.

Naunang kinumpirma ni Budget Secretary Florencio Abad Jr. na ang panukalang national budget para sa 2013 ay papalo na sa kauna-unahang pagkakataon sa P2-trilyon o mas mataas ng 11.1 porsiyento kumpara sa P1.82 trilyon ngayong 2012.

Huhugutin ayon kay Abad ang panukalang 2013 national budget mula sa mga koleksyon at kita ng gobyerno ngunit 2.0% lamang ang uutangin.

Tiwala rin si Castelo na tutugunan na ng administrasyong Aquino sa pamamagitan ng 2013 national budget ang pangunahing infrastructure at social services dahil ito ay lilikha ng maraming trabaho.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply