P2 trilyon badyet prayoridad ng Kamara

KINUMPIRMA ngayon ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na agad isasalang ng Kamara ang P2 trilyon na panukalang badyet para sa taong 2013 sa sandaling isumite ito bukas ng Department of Budget and Management.

Sa pagbubukas ng ikatlong regular na sesyon ngayong umaga, sinabi ni Belmonte na top priority ng liderato ng Kamara ang paghimay sa General Appropriations Bill at masiguro na maipasa ito sa takdang panahon.

“We are happy to receive it on the start of our third regular session. We shall give it prompt attention, it is our top priority,” ayon kay Belmonte.

Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na sisimulan ngayong Agosto ang paghimay sa pambansang pondo sa komite upang pagsapit ng Setyembre ay masigurong nasa deliberasyon na ito sa   plenaryo.

“So like last year, we’ll devote the entire August sa committee level ng budget, and we’ll start with the plenary debate of the budget by September,” ani Gonzales.

Sinuportahan naman ni Cavite Rep. Joseph Emilio Aguinaldo Abaya Jr., chairman ng House committee on appropriations ang naging pahayag ni Belmonte sa pagsasabing dapat masiguro na magbibigay benepisyo sa taumbayan ang pambansang badyet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply