P21-M lotto jackpot kinuha na ng solo winner

NAIUWI ng 32-anyos na mananahi mula sa Bulacan ang mahigit P21 milyong premyo, na solo niyang napanalunan sa 6/45 lotto na binola noong Hulyo 18 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, kinubra noong Biyernes ng hapon ng masuwerteng mananaya ang P21,053,246.40 na kapalit  ng P20 na tinayaang kombinasyong 02-27-09-04-28-18 na kinuha sa araw ng kapanganakan at edad ng kanyang tatlong anak.

Pinayuhan naman ni Rojas ang ginang na magpasalamat sa Panginoon sa biyayang tinamasa, komunsulta sa pagdedeposituhang bangko upang mapangalagaan ang paglago ng kanyang salapi at tumulong din sa mga labis na nangangailangan.

Plano ng ginang na bumili ng kanilang sariling bahay at lupa at tustusan ang pag-aaral ng mga anak at magtayo ng kanyang sariling negosyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply