P3-M marijuana nasabat sa Benguet

NASABAT ng mga awtoridad ang umaabot sa mahigit P3 milyon halaga ng marijuana sa isinagawang checkpoint sa Caponga, Tublay, Benguet, sa ulat ng pulisya ngayon.

Ang pagkakasabat sa malaking bulto ng marijuan ay bunsod ng natanggap na impormasyon ni Sr. Insp. Ronald Viscara ng Tublay Police kaugnay sa isang grupo na magdadala ng marijuana sa La Trinidad, Benguet.

Dahil dito, naharang ng pulisya ang isang Hyundai Van (AYT 444) na minamaneho ng isang Alipyo Gilo kasama ang tatlo nitong kasamahan na kinilalang sina Amor Cagayan, Lindo Jose Sawalis, Armis Apopot Mangilay na mula sa Kibungan, Benguet.

Nakuha mula sa grupo ang 30 bloke ng marijuana at 14 na cylindrical form ng marijuana na may bigat na 73.5 kilos na nagkakahalaga ng P3,197, 500.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply