P34 -M premyo sa 6/42 solong napanalunan

TUMATAGINTING na mahigit P34 milyong premyo sa 6/42 lotto ang solong maiuuwi ng panibagong milyonaryo na binola kamakalawa ng gabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Tumaya sa isang lotto outlet sa Barangay Vicente Reales sa Valenzuela City ang mapalad na mananaya na nakasapol sa kombinasyong 03-31-34-10-05-02 na may kabuuang premsyong P34,087,183.20.

Naging mailap naman sa mga mananaya ang P56,102,871.60 na kabuuang premyo ng 6/55 Grand Lotto na binola rin noong Sabado ng gabi matapos wala isa man ang nakakuha sa lumabas na kombinasyong 28-20-33-55-36-26.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, posibleng umakyat na sa halos P60 milyon ang magiging premyo sa 6/55 Grand Lotto sa susunod na bola nito ngayong araw kaya’t inaasahan na nila ang pagkakaroon ng mahabang pila sa mga lotto outlet.

Sinabi ni Rojas na sa dami ng tumatangkilik sa lotto, lumolobo rin ang bilang ng mga mahihirap na natutulungan ng kanilang ahensiya kasabay ng pagdami na rin ng mga nagiging instant milyonaryo.

Noon lamang Hulyo 18, pinagwagian ng solong mananaya ang mahigit P21 milyong premyo ng 6/45 lotto habang noong Hulyo 4 ay nakopo rin ng nag-iisang mananaya ang mahigit P163 milyong premyo ng 6/55 Grand lotto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply