P5.7-M halaga ng shabu, winasak ng PDEA

HUMIGIT kumulang sa P5.7 milyong halaga ng mga kemikal at mga kagamitan sa paggawa ng shabu ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Green Planet  Management Inc. Sa Brgy. Punturin , Valenzuela City kaninang umaga.

Kabilang sa sumaksi at nanguna sa simpleng seremonya sina  PDEA Director Gen.  Jose S. Gutierrez, Public Attorneys Office Chief Persida Acosta at sina Judge Louis Acosta ng Pasig RTC branch 70 at Muntinlupa RTC branch 203 Judge Myra Quiambao na silang naglabas ng kautusan para wasakin ang mga nasabing iligal na kagamitan.

Ang mga nsabing mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu ay kabilang sa mga shabu laboratories na sinalakay ng PDEA at PNP sa Ayala Alabang Muntinlupa, at Bagumbayan , Taguig noong Jan. 6 , 2012 at March 26, 2010.

Kabilang mga winasak ay may kabuuang 2,873 litro ng kemikal na kinabibilangan ng toluene, acetone, at hydrochloric acid at 1,213 kilo ng solid chemicals gaya ng iodine, carbon, sodium chloride, sodium hydroxide at red phosphorous na pawang ginamitan ng chemical treatment method.

Tiniyak dito ni Gutierrez  na malabo na aniyang marecover ng sino man ang orihinal na komposisyon ng  kemikal na siyang pinak pangunahing sangkap sa paggawa ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Noong April 12 , 2012  lamang ay winasak din ng PDEA ang mahigit P800 milyong halaga ng  mga nakumpiskang iligal na drogav at mga kemikal na isinagawa naman sa Integrated Waste Management Inc.sa Trexe Martirez, Cavite.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply