P500-K shabu nakumpiska sa Pampanga

TINATAYANG nagkakahalaga ng P500,000 ang nasabat na shabu ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) sa Apalit, Pampanga, kahapon (Hulyo 17).

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nadakip na si Rolando Sunga, alias Rolly, 52-anyos ng No. 893 Sampaga, San Vicente, Apalit, Pampanga.

Pinamunuan ni PDEA Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) Director Wilkins Villanueva, at mga tauhan ng BOC at PNP ang controlled delivery operation laban kay Sunga sa kahabaan sa nasabing lugar.

Matapos tanggapin umano ng suspek ang nasabing package sa isang undercover agent gn PDEA, ay dito na pinosasan ang nasabing suspek at doon na rin nakuha ang shabu na may bigat na 106 grams na nakalagay sa isang plastic box.

Nauna rito, nakatanggap ng package ang isang service company mula San Francisco, California, U.S.A. at naka-address umano ito sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply