P500-M smuggled rice nabingwit ng BOC

NAKABINGWIT na naman ang Bureau of Customs (BOC) ng may 420,000 bags ng iligal na importesd rice na mula sa India na halagang P500 milyon, sa Port of Subic, na maituturing na pinakamalaking nakumpiska ng ahensya sa loob ng maraming dekada.

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, na ang vessel Vinalines Mighty na pumalaot sa Subic port noong Abril 4, 2012 ay may lulan na malaking bulto ng puting bigas mula sa India at ipina-consigned sa MetroEastern Trading Corporation.

Nagduda naman agad ang BOC officials sa Port of Subic nang walang maipakita ang consignee ng kinakailangang dokumento para sa pag-aangkat ng bigas tulad ng Allocation and Import Permits mula sa National Food Authority (NFA) at iba pa.

“There was clearly a grand design to illegally slip the 420,000 bags of imported white rice into the country as, not only was the importation undocumented, but it’s consignee  tried to make  the shipment appear as a transshipment load to Jakarta,” pahayag pa ni Biazon.

Sa panig naman ng may-ari ng MetroEastern Trading, sinabi ng mga abugado nito na ang tunay na condignee ng 420,000 sako ng bigas ay isang Indian national na ang pangalanan ng kumpanya ay AMIRA C FOODS INTERNATIONAL DMCC, at ang rice shipment ay orihinal na dadalhin sa Jakarta, Indonesia. Pero dahil naantala ang pagdating ng naturang vessel na may dala ng rice shipment mula sa India patungo sa Port of Jakarta, ang shipment’s import permit para sa Jakarta ay napaso na.

Dahil dito, hindi pinayagan ng Jakarta Customs authorities na maibaba ang 42,000 bags of rice kaya napilitan ang Amira C Foods  International na maghanap ng ibang port para mabagsakan ng naturang bigas tulad ng Port of Subic.

Gayunman, iginiit ni Port of Subic Former District Collector Errol B. Albano na taliwas sa pahayag ng mga abugado ng naturag kumpanya ang 42,000 bags rice shipment ay papunta talaga sa Port of Subic para magdeliber ng bigas at bilang patunay nito ay base sa  Bill of Lading No. KDL/VM/01.

Nagsampa naman ang AMIRA ng Appeal memorandum na petsa Hunyo 29, 2012 na sa kasakuluyan ay muling inaaral ng Legal Service.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nakakumpiska rin ang Port of Subic ng mahigit sa P42 million halaga ng illegally imported rice mula naman sa Vietnam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply