P50,000 pirated DVDs winasak sa Maynila

SAKO-SAKONG pirated at bold DVDs ang winasak sa quadrangle ng Manila City Hall.

Pinangunahan nina Manila Mayor Alfredo Lim at Mayors Complaint Action Team (MCAT) chief Ret. Col. Franklin Gacutan, ang pagwasak sa mga pirated DVDs na tinatayang nagkakahalaga ng P30,000 hanggang P50,000 na nakumpiska sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Mayor Lim, patuloy ang kanilang gagawing monitoring at pagsalakay sa mga lugar na bentahan ng DVDs dahil matagal na itong  ipinagbawal sa Maynila matapos ang isang kasunduan sa pagitan nila at ng Optical Media Board (OMB).

Subalit may iilan pa ring mga nagbebenta ang nakalulusot kung saan ang modus operandi ng mga ito ay magpapakita ng catalogue o folder kung saan nakalista ang mga titulo ng palabas at kapag may napili na ang bumibili ay saka lamang kukunin ang piniratang DVD sa kanilang pinagtataguan.

Bukod dito, pinakukumpiska din ang mga sexual enhancers.

Pinatututukan naman ng alkalde ang mga lugra kung saan ginagawa ang mga piniratang DVDs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply