P6-M premyo sa 6/42, 2 kumubra

NAIUWI na ng isang 43-anyos na nurse na mula pa sa Tacloban City ang kalahati ng mahigit P6 na milyong pisong tinamaan sa 6/42 lotto na binola noong Hulyo 3 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Personal na iniabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang tsekeng nagkakahalaga ng P3,345,994,20 na  kalahati ng kabuuang premyong P6,451,988.40 na pinaghatian nila ng isang taga-Tondo matapos kapuwa makuha ang kombinasyong 18-05-27-23-10-22. Nauna ng kinubra ng isa pang lotto winner ang kanyang premyo noong araw ng Biyernes.

Ayon kay Rojas, mula pa noong taong 1995 tumataya ang mapalad na ginang na may tatlong anak ng halagang P20 at lagi niyang inaalagaan ang numero na kinuha niya mula sa araw ng kapanganakan ng kanyang mga anak at asawa.

Napagalaman na sadyang masuwerte sa pagtaya sa lottery game ang ginang dahil madalas din siyang tumama sa consolation prize at 3-digits, maging sa mga promotional gimmick, raffle at  sa low end casino.

Plano ng ginang na ipuhunan sa negosyo ang bahagi ng premyo at ilaan naman ang kabahagi sa kinabukasan ng mga anak.

isang 43-anyos na nurse na mula pa sa Tacloban City na binola noong Hulyo 3 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply