P93M ilalaan sa rehabilitasyon ng ilang port area sa bansa

MAGLALAAN ng P93.8 million pondo ang Department of Transportation and Communications para sa rehabilitasyon at expansion ng ilang port area sa bansa.

Kabilang sa mga aayusin na pantalan o daungan ay ang nasa Corcuera, Romblon; Sto. Domingo, Bacacat at Pili sa Albay; Palid, Zamboanga Sibugay; Melga, Dinagat Island at Placer sa Surigao del Norte.

Layunin ng proyekto na mapabilis ang mga transaksyon sa mga sea port at maging ligtas, komportable at maayos ang mga biyahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply