Pacquiao, kumbinsido na gawaran ng National Artist award si Dolphy

MAGING si pambansang kamao at Saranggani Cong. Manny Paquiao ay kaisa ng sambayanang Pilipino sa panawagang magawaran ng National Artist award si Comedy King Dolphy.

Ayon kay Paquiao, pabor at sinusuportahan niya ang hakbang sa panawagang maipagkaloob ng National Center for Culture and the Arts (NCCA) ang naturang parangal.

Kasabay nito, nagpaabot  rin ng pakiramay ni Paquiao sa mga naulilang pamilya ni Dolphy.

Sinabi pa ng mambabatas, sakaling magakaroon ng pagkakataon ay hahabol siya sa burol ni Dolphy sa Heritage Park sa Taguig.

Babalik din ngayong araw sa lalawigan ng Saranggani ang pambansang kamao para harapin ang kanyang mga naiwang trabaho at pagsasaayos ng mga kababayan nasalanta ng bagyo doon.

Si Paquiao ay dumating sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kaninang alas-5:55 ng umaga sakay ng PAL flight PR 103, mula Los Angeles (LA) at Guam, matapos na magbakasyon kasama ang kanyang pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply