Pader ng bahay gumuho: 2 patay, 2 kritikal

DALAWA ang namatay habang dalawa dalawa pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos madaganan ang kanilang bahay ng gumuhong pader sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan kaninang tanghali sa Sitio Cabuhatan Gen. T. De Leon St., Barangay Ugong Valenzuela City.

Dead on spot sina Rodel Pugoy, Sr., 29, at si Christian Serrano 9, pawang nakatira sa nasabing lugar.

Nasa kritikal namang kalagayan sa Valenzuela General Hospital sina Rodel Jr. 2-anyos at kapatid nitong si Renver, isang taong gulang.

Sa ulat, dakong alas-12 :30 ng tanghali naganap ang malagim na insidente.

Sa kasagsagan ng malakas na ulan ay biglang gumuho ang nasabing pader kung saan nadaganan ang bahay ng mga biktima.

Nagtulung-tulong naman sa rescue operation ang mga pulis ng lungsod at Philippine Red Cross.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply