Pag-abswelto kay Pagcor chair Naguiat, binatikos

BINATIKOS ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz si Pangulong Benigno Aquino sa pag-abswelto sa kanyang kaklase na si PAGCOR Chairman Cristino ‘Bong’ Naguiat Jr. sa maanomalyang pagbili nito ng bottled drinking water na nagkakahalaga ng P8.2 million at hindi dumaan sa public bidding.

“Peke ang tuwid na daan ni P-Noy,” sabi ni Cruz.

Ayon kay Cruz, ang pag-abswelto ng Pangulo kay Naguiat ay nagpapatunay na exempted sa kanyang tuwid na daan ang kanyang mga kaklase, kaibigan at kabarilan.

Hindi na aniya nakagugulat ang pangyayaring ito.

“Hindi ko na ikinagulat yan, pinatunayan na yan noon pa ng Pangulo na tanging exempted sa kanyang tuwid na daan ang kanyang KKK. Kaibigan, kaklase at kabarilan! Dahil diyan, noon pa rin ako nagkabuo ng conclusion na peke ang tuwid na daan ni P-Noy, hindi totoo ang kampanyang walang kurap, walang mahirap, dahil dito, magkakaroon ito ng epekto sa tao, tiyak na masisira ang imahe niya sa taong bayan na siya’y matuwid at laban sa graft and kurapsyon,” sabi ni Archbishop Cruz sa panayam sa radyo.

Naniniwala si Cruz na babagsak pa ang tiwala ng taong bayan kay PNoy kapag ipinagpatuloy ang ganitong kalakaran sa kanyang gobyerno. Umaasa ang marami na tutuparin ni Aquino ang pangakong siya ay matuwid at laban sa graft and corruption.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply