Pag-alis ni Biazon sa BoC, kalokohan lalala

OKAY na ngayon ang kalakaran sa Aduana dahil nabawasan na ang mga palusutan dito at iyan ay sa maigting na determinasyon ni Com-missioner Ruffy Biazon na linisin ang kanyang pinamumunuang ahensiya sa lahat ng uri ng kalokohan.

Tiyak ding magbabalik ang sigla ng mga smuggler, tiwaling empleyado at opisyal nito kapag natuloy ang pagtakbo ni Biazon sa Senado kaya’t di dapat itong matuloy dahil nasa tuwid na landas na ang Bureau of Customs (BoC).

Sa ating impormasyon, ito ang inaantabayanan na lamang ng mga smuggler at tiwaling empleyado ng BoC dahil maging sila ay kumikilos na para maisama ang batang Biazon sa senatorial slate ng administrasyon.

Maging ang kanilang mga malalakas na kabig sa Palasyo at Liberal Party ay all out ang pagkilos para i-lobby sa mga bosing na may kinala-man sa pagbuo ng senatorial slate ng administrasyon na isama si Mang Ruffy dahil sagabal ito sa kanilang hanapbuhay sa Aduana.

Mayroon din silang inatasang PR firm na ang laging assignment lamang ay isama si Commissioner Biazon sa lahat ng istorya na may kinalaman sa senatorial line-up ng LP-NPC-NP coalition upang makumbinsi ang bumuo ng selection group na isama ang boss ng BoC.

All systems go rin daw ang mga kumag na smuggler para pon-dohan ang mga taong maglalapit sa Palasyo na isama ang batang Biazon sa line-up ng administrasyon.

Sa maikling salita, gusto nilang maalis sa landas nila si Biazon dahil malaki ang nawala sa kanilang kita  sa Customs kaya’t lahat yata ng paraan ay gagawin ng mga ito para matanggal si Mang Ruffy.

Kung ang administrasyon ay bumubuo pa lamang ng line-up ng mga senador ay iba naman sa Aduana dahil buo na raw ang line-up naman nito ng mga dorobong opisyal at smuggler na kanilang mga kasabwat na ipapalit sa mga inilagay na tao ni Biazon na naging tapat at dumiretso ng tamang daan para sa pagbabago sa Customs.

May option B pa ang mga dorobo sa Aduana kapag ‘di raw nasama sa line-up si Biazon at iyan ang ating ibubunyag sa mga susunod nating labas.

###

Grabe na ang ginagawa ng China sa ating bansa. Tahasan na ang pambabastos nila sa soberenya ng Pilipinas.

Kung noon ay nahihiya pa kuno ang mga Intsik na ito, ngayon ay hindi na dahil organisado at garapalan na ang kanilang pam-bubuli.

Biruin n’yo 30 fishing vessel na may kasama pang security ang kanilang ipinadala sa Spratly island na tahasang pagtapak na sa ating pagkatao at bilang pagiging bansa.

Marami pang sasapiting pambubuli ang ‘Pinas sa mga Chino at iyan ang ating ihingi ng saklolo dahil hindi pweedeng palagi silang bumibingo.

###

Sa mga nagnanais ng tahasang pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag email sa barangayanni_isko@yahoo.com o mag text sa 09336363310.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply