Pag-alis sa expiry date ng prepaid load pinag-aaralan ng NTC

MASUSING pinag-aaralan ngayon ng National Telecommunications Commission (NTC) kung nararapat bang alisin na ang expiration date ng mga prepaid load.

Gayunaman, sinabi ng NTC na matatagalan pa bago mapagdesisyunan ang nasabing panukala.

Ayon sa NTC, kailangang dumaan ito sa tamang proseso at kailangan munang konsultahin ang mga telecommunication company, maging ang grupo ng mga konsyumer upang mabatid kung ano ang implikasyon nito. Sunod nito ay isasalang ang panukala sa public hearing.

Nabatid na maraming prepaid subscribers ang nagrereklamo kapag inabutan ng expiration date ang kanilang load dahil hindi naman anila nagagamit o nakokonsumo ang lahat ng kanilang load.

Magugunitang, tinaggal na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang expiry date ng mga gift certificate matapos na marami rin ang magreklamo dahil sa mga nasasayang na GCs.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply