Pag-angkin ng China sa Panatag Shoal, legally weak – Enrile

MALAKI ang paniniwala ni Senate President Juan Ponce Enrile na mahina sa usaping legal ang pang-aangkin ng China sa Scarborough Shoal (Panatag Sahoal) base sa sariling mapa nito na nagpapakita ng jurisdiction sa lugar.

“Simple lang, ang claim ng China, legally weak. Paano ang occupation nila sa Scarborough Shoal, may ibon ba sila na dumayo, may isda ba silang minarkahan at nagpunta sa Scarborough, sa kanila na iyon? Eh kung gagawa din ako ng mapa, sasakupin ko ang kanilang isla,” ayon kay Enrilre sa isang radio interview.

Sinabi pa ni Enrile na hindi puwedeng gamitin ng Beining ang kanilang teorya na base sa kanilang mapa, pag-aari na nila ang Scarborough Shoal at kung magkaganon, puwede nilang angkinin ang buong kapuluan dahil maraming Filipino-Chinese sa bansa.

“Anong klaseng teorya yan. Sa Puga Island in Batanes, Limahong has lived there, at maraming Filipino-chinese doon, so they can claim it is theirs? Just like the Indian Ocean which can be claimed by India, or the Strait of Magellan between Puerto Rico and Chile, should be for Portugal or Spain?” paliwanag ni Ernile.

Ibinasura din ni Enrile ang pahayag ng China na mapanghamon ang military drill na isinasagawa ng US at Pilipinas sa bansa. “So, what kung sasabihin nila iyon, So what they are provoke. What are you going to do on that. So what,” giit pa ni Enrile.

“Hayaan mo silang mag-warning nang mag-warning. Hayaan mong sugurin nila tayo kahit pana lalaban tayo. Puro tayo daldal, ngawngaw, wala naman tayong ginawa,” dagdag ng senador.

Dismayado din si Enrile sa pagkamatay ng isang mangingisda malapit sa pinagtatalunang lugar matapos banggain ng isang Hong Kong vessel ang kanilang Bangka malapit sa Pangasinan.

“Isang bangka ng ating mangingisda, winasak, sinagasaan, hindi natin malaman kung paano winasak, pero sinabi ng mga taong nakakita, dinaanan kami ng bapor, pero hindi natin pinaniwalaan, ginagawa natin silang tanga, at inilagay natin sa utak natin na inimbento lang nila,” ayon kay Enrile.

“Kaya sinasabi ko na kailangan siguro ng isang malaking kalamidad na tulad ng pagsabog ng isang nuclear bomb na puputok sa utak natin upang magising tayo sa mga problema natin,” patapos niya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply