Pag-apruba sa mga nakabinbing panukala bilisan – SB

PINAKIUSAPAN ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang mga kasamahang mambabatas na doblehin ang nalalabing panahon para pagtibayin ang mga nakabinbing mga panukalang batas na makatutulong para sa serbisyo-publiko.

Sa kanyang opening speech, binanggit ng Speaker na kasama sa mga prayoridad ng Kamara at dapat ng aksyunan ay ang Anti-Poverty Program Bill, Anti-Trust Act at K+12 bill para sa reporma sa edukasyon.

Panahon na rin aniya para idaan na sa botohan ang kontrobersyal na Reproductive Health bill at Freedom of Information bill na magiging daan din para sa mahusay na pamamalakad sa pamahalaan.

May 235 na kongresista ang dumating sa operaning ng 3rd regular session kung saan inaprubahan ang tatlong resolusyon ukol sa gagawing SONA ni Pangulong Aquino.

Kabilang sa absent si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay naka-hospital arrest. Nagsidalo naman ang mga anak niya na sina Reps. Mikey Arroyo (Ang Galing Pinoy Partylist) at Dato Arroyo (Camarines Sur).

Kabilang sa inaprubahan, ay ang House Concurrent Resolution 18 na nagdedeklara ng joint session ng Senado at Kamara para sa pagdaraos ng SONA mamayang alas-4:00 ng hapon, ang House Resolution 2539 na nagpapaabot sa Senado na handa ang Malaking Kapulungan para sa joint session at ang House Resolution 2540 na nagpaparating naman sa Pangulo ng kahandaan ng Kamara sa nabanggit na joint session.

Kabilang naman sa sasalubong kay Pangulong Benigno Aquino III mamaya ay ang mga Deputy Speakers na sina Raul Daza, Erin Tañada, Pablo Garcia, Arnulfo Fuentebella, Jesus Crispin Remulla at Ma. Isabelle Climaco.

Nag-adjourn na ang sesyon para bigyang daan ang ikatlong SONA ng Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply