Pag-IBIG naka-offline; kotong at hulidap

BIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga  tambak na   text messages at nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin  ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin sa  kanilang kahilingan at  proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng REMATE, iyon po ang nakasaad sa kanilang padalang messages at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD afternoon po, madam. Pakisilip naman po ang PAGIBIG office rito sa Masbate, lagi po kasing naka-offline ang kanilang computer. Tuloy di namin malaman kung naghuhulog ang agency. Mahigit 2 years na po ito, madam.

LILY’S FILES, good pm po.

Ang mga pulis dito sa Payatas, lalo na sa Molave ay basta na lamang mangdadampot  saka kukuwartahan. Makapal din ang mga mukha lalo na yung Joypaul na pulis. Concerned citizen lang po.

MAM, diyan po sa Shaw Boulevard  sa Mandaluyong, garapalan  kung manghingi  sa mga truck driver yung naka-motor na enforcers sa gabi, yung nakadestino sa may Acacia Street.

GOOD day po, mam. Ang drugs po rito sa Payatas ay protektado ng pulis na si De Guzman.

Kahit floating ang pulis na ito ay napakabagsik. Dito sa Payatas patuloy ang panghuhulidap ni De Guzman. Protector  ng mga drug pusher ang pulis na ito dito sa amin sa Group 2. May patong po siya sa druglord na si Randy. Don’t publish my number please.

GOOD pm po. Ask ko lang po kung may bayad ngayon ang mag-pa-enroll? Dito po kasi sa amin ay may bayad, dito po ito sa Gumaka, Quezon.

HI, Madam Lily. I’m an ex cop. Regret to say na naging kultura na sa CIDG, especially sa Metro Manila, na ‘di kikilos ang mga ito pag walang katapat na pera gaya ng  PNP-HPG.

Ninais ng mga ito na maging separate units upang hindi masilip o mapuna ng mga good cop para solo nila ang kita.

MAM, pakikalampag mo yung mayor dito sa  San Jose Del Monte, Bulacan. Ang titino ng kalsada ginigiba kaya sobra ang traffic tuloy.  Thanks and more power. Concerned citizen, Mam Lily Reyes, isumbong ko lang po sa inyo ‘yung mga traffic enforcer ng Manila City Hall. Mga kotong, lalo na ‘yung naka-assign diyan malapit sa simbahan ng Santa Cruz.

Dalawa po sila. Motor po ang dala ko galing sa likod ng SM at pumunta kami ng simbahan.

Paglabas ko na angkas ang asawa ko at papunta sa Divisoria para mamili ng mga gamit sa school ng anak ko nang bigla nila kaming hinuli. Sabi one way raw yung pinasok namin eh wala namang nakalagay na nagsasabing one way ang aming dinaanang kalsada.

Sabi sa akin ng isang enforcer P2000 daw ang bayad sa one way  pero P500 na lang daw

ilagay niya sa violation ko  sabay sabing  puwede naman daw aregluhin  kahit P200 lang para ayos na kasi P190 lang naman daw  porsyento nila sa P500,  at para di ako maabala ay
binigyan ko na lang ng P200.

Ang masasabi ko lang sa mga enforcer ng Maynila, halos karamihan  sa kanila ay mga kotong , sana ay makarating it okay Mayor Lim.

Para sa inyong reklamo ,  suggestions at kumento , magtext lang po sa 0915-5683000 at 0908-7230036  o kaya ay mag email sa lpr_2012@yahoo.com .

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply