PAGASA nagpalabas ng red alert warning sa MM

BUNSOD ng nararanasang matinding buhos ng ulan, nagpalabas na ang PAGASA ng red alert warning signal sa Metro Manila.

Kabilang sa nasabing babala ang mga sumusunod na lungsod:

Maynila
Mandaluyong
San Juan
Quezon City
Marikina
Parañaque
Taguig
Pasig
Pasay

Sa ilalim ng red alert warning, mararanasan ang matinding buhos ng ulan o 30 millimeters kada oras ang ibinubuhos na ulan na maaaring magdulot ng pagbaha.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang matinding pag-ulan ay dahil sa epekto ng Hanging Habagat na pinag-iibayo ng bagyong Ferdie.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa Laoag City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply