PAGASA: Palawan, Visayas at Mindanao apektado ng ITCZ

IPINAHAYAG ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na apektado na ng InterTropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan, Visayas at Mindanao

Ayon sa PAGASA, makararanas ng madalas na maulap na papawirin na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila.

Sa pagtaya ng PAGASA, ang Katimugang-Luzon, ang Kabisayaan at Mindanao ay makararanas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat. Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 32 degrees Celsius.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply