Pagbawi ng lisensya kay Hayden Kho pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang ginawang pagbawi ng Professional Regulation Commission (PRC) sa lisensya ni Hayden Kho.

Sa 17-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Edwin Sorongon, ibinasura ng CA Eighth Division ang petisyon ni Kho na humihiling na baligtarin ang desisyon ng PRC na may petsang August 22, 2011 sa kasong administratibo laban kay Kho.

Si Kho ay nauna nang hinatulan ng guilty ng PRC sa kasong immorality, dishonorable o unethical conduct makaraan katigan ang desisyon ng Board of Medicine laban kay Kho noong November 20, 2009 at February 8, 2010.

Sa desisyon ng CA, kinilala nito ang kapangyarihan ang PRC na magsuspinde at magkansela ng certificate of registration at professional license.

Ayon sa CA, salig sa Basics of Philippine Medical Jurisprudence and Ethics, ang pag-practice ng medisina ay hindi isang likas na karapatan kundi pribilehiyong ibinibigay ng Estado.

Hindi binigyan ng bigat ng CA ang argumento ni Kho na ang pag-video tape at pagkalat ng video ng pagtatalik nila ng aktres na si Katrina Halili ay hindi sapat na batayan para makansela ang kanyang lisensya dahil wala naman itong kinalaman sa kanyang propesyon.

Iginiit ng CA na ang immoral conduct ay hindi naman kinakailangang direktang konektado sa pagpapraktis ng medisina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply