Pagbubukas ng 3rd regular session handa na

MAGBUBUKAS ngayong alas-10:00 ng umaga ang ikatlong regular na sesyon ng 15th Congress.

Inaasahang tatalakayin ang detalye ng magiging state-of-the-nation address ni Pangulong Benigno Aquino III mula sa kanyang pagdating sa Batasan Complex hanggang sa pag-alis.

Ngayong umaaga, inaasahang dadalo ang may 285 na kongresista.

Alas 12:00 mamayang tanghali ay inaasahan na ang pagdating ng mga panauhin, Gabinete, mga senador at kapamilya ng mga kongresista para sa joint session kung saan isasagawa ang SONA ng Pangulo.

Alas-4:00 ng hapon ang SONA at sa sandaling pumasok na si Pangulong Aquino sa rear entrance ng Batasan Complex ay mahigpit na ipagbabawal sa lahat maging sa mga taga-media na lumapit o dumaan doon.

Ang mga taga-media ay pinapayagan lamang na manatili sa may north at south wing gayundin sa may radio booth sa may 3rd gallery.

Pili lamang din ang mga makapapasok sa plenaryo na taga-media partikular ang mga cameraman ng mga TV stations at mga taga-print na kasamahan sa industriya at lahat ng papasok ay may imbitasyon.

Sasalubungin ang Pangulo nina House Speaker Feliciano Belmonte, Senate President Juan Ponce Enrile, kasama ang bubuuing welcoming committee ng Kongreso at saka didiretso sa Presidential Legislate Liaison Office (PLLO).

Sa pagsisimula naman ng SONA, sabay na bubuksan ng dalawang kapulungan ang sesyon na susundan ng panalangin at pagkanta ng Pambansang Awit ng House of Representatives choir.

Eksakto alas-4:00 ng hapon ay magbibigay na ng kanyang ulat sa bayan ang Pangulong Aquino kung saan inaasahan na sasabihin din nito ang lahat ng accomplishments ng kanyang administrasyon nitong nakaraang taon at kasama na ang mga plano para sa taong 2013.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply