PAGCOR iimbestigahan sa pagbili ng P8-M bottled water

IIMBESTIGAHAN ng Commission on Audit (CoA) ang Philippine Amusement ang Gaming

Corporation (PAGCOR) sa sinasabing iligal na pagbili ng bottled mineral water na

nagkakahalaga ng mahigit sa P8 million.

Lumalabas sa 2011 CoA audit report na gumastos ng P8.2 million ang PAGCOR para sa mga bottled mineral water at P1.79 million na ipinambili ng mga five gallons na tubig para sa tatlong casino branches sa Parañaque, Pavillion at Heritage.

Sa pagsisiyasat ng CoA, ang tatlong branches ng PAGCOR ay bumili ng mineral water at five gallon water sa tatlong supplier na hindi dumaan sa anumang bidding.

Ang Casino Pavillion branch ay naglaan ng halos P4 million para lamang sa bottled mineral water at mahigit P1 million naman sa five gallon water.

Ang Heritage branch naman ay gumastos din ng halos P3 million para sa bottled mineral water at mahigit P500,000 para sa five gallon water.

Habang ang Parañaque branch ay gumastos ng mahigit P1 million para sa bottled mineral water.

Dahil dito ipinag-utos ng komisyon na ipaliwanag ng PAGCOR ang nasabing mga inuming tubig.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply