PAGCOR puno ng hiwaga

NOONG panahon ni Efraim Genuino, dating chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), P1 billion ang gi-nastos nito sa café sa loob ng sampung taon.

Ngayong panahon naman ni Cristino Naguiat Jr., gumastos naman ito ng P10 million para sa bottled water sa loob lamang ng isang taon. Sa loob ng sampung taon, ito ay magiging P100 million.

Ang tanong noon ni Pangulong Benigno Aquino III, nakatutulog pa kaya ang Pagcor sa dami ng ka-peng kanilang binili?

Ngayong state of the nation address (SONA) na naman, baka gusto uling magtanong si Pangulong PNoy sa Pagcor na pinangungunahan na ngayon ni Naguiat: Hindi kaya sila malunod sa dami ng tubig na kanilang iniinom?

Malamang na hindi na itanong ito ni PNoy. Si Naguiat ay kaibigan ni PNoy, at si Genuino naman ay kaibigan ni Gloria Macapagal Arroyo.

Si Genuino, sangkot sa maraming katiwalian pero may narinig ba kayo kay Gloria? Wala, wala, wala. Friends nga kasi sila.

At ngayon, maiimbestigahan kaya si Naguiat ni PNoy? Paking-gan natin ang Pangulo sa kanyang darating na Sona.

May palusot si Genuino noon. Ang kape raw na nagkakahalaga ng P1 billion ay ipinainom nang libre sa mga sikat na sugarol ng Pagcor. Kasama kaya riyan ang mga sugarol na opisyal ng gobyerno?

At ngayon, sa panahon ni PNoy, ano naman ang palusot ng Pagcor? Simple lang. Ang sabi ng Pagcor, nag-shopping lang daw sila ng bottled water kaya hindi na nila idinaan sa public bidding.

Dapat ay i-sona na yata ang mga taong puro kahihiyan ang idinudulot kay PNoy, at nang malaman natin kung sino ang mga born liar at corrupt sa gobyerno natin.

Pero ano ang sabi ng Commission on Audit (COA) tungkol dito?  Bawal sa batas ang shopping na iyan at baka bottled water ang ginagamit ng Pagcor sa kanilang rest room. “The procurement of bottled mineral water was made thru shopping notwithstanding the amount involved exceeded the threshold provided under Section 10 of the Revised Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. (RA) 9184,” sabi ng COA.

O sige na nga, sabi ng Pagcor. Sa susunod, public bidding.  Eh paano na ang P10 million na hindi isinailalim sa public bidding? Forget na lang ba natin? Wala bang parurusahan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply